Putin sa Ukraine at West, ‘Tuloy ang giyera hangang sa kahuli-hulihang Ukrainian’

Matapang na nagbabala si Russian President Vladimir Putin sa Ukraine at sa Western countries na magpapatuloy ang giyera hanggang sa maubos ang kahuli-hulihang Ukrainian.

Sinabi ni Putin na nakarating sa kanya ang balitang sinusubukan silang talunin sa giyera pero matibay ang kanyang babala na subukan ang kanilang puwersa.

Binigyang diin ni Putin na magiging malaking trahedya para sa mga Ukrainian ang bantang handa silang labanan ng West bilang depensa sa Ukraine.

Giit pa ni Putin, ang West din ang dapat sisihin sa “genocide” laban sa mga mamamayan sa Donbas.

Nilinaw ng Russian President na hindi sila tumatanggi sa peace negotiation pero dapat mabatid ng mga humahadlang sa negosasyon na habang lumalalim ang kaguluhan ay mas marami ang maaapektuhan at mas magiging mahirap ang pakikipag-negosasyon sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *