PUV consolidation, extended ng 3 buwan

Inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekomendasyon ni Department of Transportation secretary Jaime Bautista na palawigin pa ang PUV consolidation.

Sa ulat ng Presidential Communications Office o PCO, tatlong buwan ang ibinigay na extension o hanggang April 30, 2024.

Layon nitong bigyan pa ng oportunidad ang mga PUV operators at drivers na nais magpa consolidate pero hindi nakahabol sa cut off.

Sa tala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB nitong mid-January, nasa 82% na ang consolidation ng kabuuan, kabilang dito ang 75% ng mga jeepneys, 86% ang mga buses at 45% naman ang mini buses.

Nasa 1,728 naman ang na-established na kooperatiba at korporasyon na sa kabuuan ay merong 262, 344 members.

Nabatid na unang itinakda ang deadline ng consolidation noong December 30, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *