PUV drivers, operators na nabigong mag-consolidate – maaaring sumali sa ibang koop

Maaari pa rin daw sumali sa ibang kooperatiba ang mga PUV drivers at operators na nabigong mag-consolidate o mag-apply para sa consolidation bago ang deadline noong December 31, 2023.

Sa isang news forum, nakipag-ugnayan na ang Office of Transportation Cooperatives o OTC sa mga kooperatiba sa buong bansa para tulungan ang mga tsuper na hindi pa miyembro ng mga Kooperatiba.

Nagpahayag naman daw ang mga ito na tumulong at bigyan ng oportubidad ang mga drivers na sasama sa kanila.

Samantalang ang LTFRB naman ang magdedesiyon sa prangkisa ng mga operators na hndi na-consolidate.

Sa dartos ng LTFRB , 76% o 145,721 units ng UV Express at public utility jeepneys (PUJs) ang na-consolidate na sa ilalim ng PUV Modernization Program ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *