PVL, ipinakikilala ang Nxled Chameleons bilang bagong koponan

Inanunsyo ng Premier Volleyball League (PVL) ang ika-12th at pinakabagong koponan na Nxled Chameleons sa isasagawa nitong All-Filipino Conference sa Oktubre 16.

Magsisilbi itong pangalawang koponan ng Akari Lighting & Technology Corporation sa PVL, kung saan hinahangad pa rin ng Akari Chargers na makamit ang titulo sa tournament.

Sa natapos na Invitational Conference, inanunsyo rin ng liga ang tatlong bagong club team na Foton Tornadoes, Farm Fresh Foxies at Gerflor Defenders.

Sa ngayon, tinututukan ng fans ang Nxled dahil inaasahang ianunsyo nito sa susunod na linggo ang coaching staff at lineup ng koponan para sa season-ending conference.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *