QC LGU, nagbabala sa fake solicitation letters para sa isang pageant

Nagbabala ang Quezon City LGU sa publiko hinggil sa kumakalat na fake solicitation letters para magdonate sa isang gay beauty pageant.

Nakapaloob sa sulat na inaprubahan ito ng Office of the Mayor at may picture pa kasama ang lagda ni QC Mayor Joy Belmonte.

Bukod dito, accredited ang isa umanong Mr. o Ms. Jasper CariƱo para magsagawa ng signature campaign at manghingi ng donasyon.

Payo ng lokal na pamahalaan sa mga QCitizens maging mapanuri upang hindi mabiktima ng panloloko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *