QC Mayor Belmonte at Navotas Rep. Tiangco, tinanghal bilang top performing officials sa NCR

Kinilala ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Navotas City Rep. Toby Tiangco bilang top performing National Capital Region (NCR) mayor at representative para sa third quarter survey na “Boses ng Bayan.”

Ayon kay executive director ng RPMD at global affairs analyst Dr. Paul Martinez, itinampok sa survey ang huwarang serbisyo ng mga alkalde at congressman sa NCR habang ipinunto niya na ang mga pampublikong opisyal na ito ay karapat-dapat sa pagkilala sa kanilang matatag na pangako at serbisyo sa kani-kanilang nasasakupan.

Ipinaliwanag rin nito na ang pagtatasa para sa mga mayor ng lungsod ay nakaangkla sa pitong pangunahing pamantayan, kabilang na ang paghahatid ng serbisyo, katalinuhan sa pananalapi, pag-unlad ng ekonomiya, pamamahala sa pamumuno, pangangalaga sa kapaligiran, mga hakbangin sa lipunan, at pakikipag-ugnayan.

Sa kabilang banda, nakasentro naman sa tatlong mahahalagang parameter ang pagtatasa sa mga representatives, tulad ng representasyon ng distrito, pagganap ng lehislatibo, at serbisyo ng nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *