QCPD, pinaghahandaan ang 2 araw na tigil-pasada ng PISTON

Pinaghahandaan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang ikakasang dalawang araw na tigil-pasada ng grupong PISTON.

Ayon kay QCPD Spokesperson PLtCol. May Genio, katuwang ang kanilang anti-criminality operations titiyakin ng naturang istasyon ang kaligtasan ng publiko.

Tulad ng nagdaang transport strike, mamahagi ang QCPD ng libreng sakay sa mga commuters na apektado.

Aniya, makikipagtulungan ang naturang himpilan sa lokal na pamahalaan at barangay upang makapagbigay din sila ng free rides sa mga posibleng ma-stranded na biyahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *