Quezon province, hiniling ang mas maraming COVID-19 vaccines matapos ma-detect sa probinsya ang 8 Delta cases

Umapela ang Quezon province sa gobyerno ng karagdagang suplay ng bakuna matapos ma-detect sa lugar ang walong kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni Governor Danilo Suarez, na nagawa lamang ng Quezon na makapaturok ng 262,000 vaccine doses sa kanilang probinsya, na may 1.8-million na populasyon.

Iginiit ng gobernador na organisado naman ang kanilang vaccination program, at buo ito naiimplementa ng kanilang mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Suarez, mula sa walong Delta variant cases ay na-detect ang apat sa bayan ng Dolores kabilang na ang tatlo na naka-recover.

Meron naman isa pang pasyente na nakatira sa bayan ng Real.

Ipinunto naman ni Suarez na nanatili ang ikalimang pasyente sa Tiaong, kahit hindi ito permanenteng residente ng naturang bayan, habang ang nallalabing bilang ng Delta variant cases ay umuwi sa bayan ng Sariaya mula sa Metro Manila, bago naipatupad noon ang istriktong lockdown measures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *