Quiboloy – hindi dapat i-exempt sa compulsory process ng legislative inquiry – de Lima

Naniniwala si dating senadora Leila de Lima na pawang mabibigat ang lahat ng akusasyon itinatapon kay Apollo Quiboloy.

Dahil maliban sa kasong rape, child abuse, white slavery at religious quackery ay tila tumatayo rin umano ito bilang gun-runner at money launderer ng Davao Death Squad (DDS) at ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni De Lima na hindi dapat i-exempt ng ilang senador si Quiboloy sa anumang compulsory processes ng legislative inquiry.

Ito ay matapos ang paninindigan ng ilang senador na wala namang magiging ‘in aid of legislation’ sa pagsasagawa nito kung kaya’t dapat ipaubaya nalang ng Komite ito sa Korte.

Dagdag pa niya, dapat iisa lang ang batas para sa lahat dahil hindi lang tungkol kay Quiboloy ang pinag-uusapan dito ngunit tungkol ito sa paghabol sa di umano’y pinakamakapangyarihang criminal organization sa bansa, ang DDS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *