Quiboloy, pina-cite in contempt ni Sen. Hontiveros

Pina-contempt na ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson Senadora Risa Hontiveros si Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos ang muling pagtanggi nito na dumalo sa ikatlong pagdinig ng kanyang kaso sa Senado.

Kaugnay nito, hiningi rin ng senadora ang tulong ni Senate President Migz Zubiri para sa pag-iisyu ng arrest order laban kay Quiboloy upang mapaharap na ito sa kanyang komite.

Samantala, ang pasyang ito ay agad naman ding tinutulan ni Senador Robin Padilla sa kanyang pagbisita sa nasabing pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *