Quiboloy – ‘sa Korte lang ako haharap, hindi sa Senado’

Nanindigan si Pastor Apollo Quiboloy ng religious group na Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na hindi siya haharap sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga alegasyong sexual abuse.

Gayunpaman, handa siyang humarap sa “court of law” upang sagutin at harapin ang mga nag-aakusa sa kaniya

Sa inilabas na video ng SMNI Network, isa-isang pinasinungalingan ni Quiboloy ang mga akusasyon ng mga testigong humarap sa pagdinig ng ng Senate committee on women and children na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.

Inakusahan siya sa pagdinig pang-aabuso ng mga dati niyang miyembro, at ang dalawa pa rito ay nagmula pa sa Ukraine.

Saad pa ni Quiboloy, hindi nirerespeto ang kanyang personal rights kaya’t hindi niya rin iginagalang ang opisina ng Senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *