Quiboloy, walang pa rin umanong paramdam sa Senado – Hontiveros

Kinumpirma ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na mula noong tanggapin ng kampo ni Apollo Quiboloy ang subpoena ay wala pa rin itong paramdam hanggang sa ngayon kung makadadalo ito bukas.

Ngunit sa kabila nito ay tiniyak niyang ipagpapatuloy pa rin ng kanilang komite ang pagdinig sa kaso nito.

Kaugnay nito, umaasa at inoobligahan niya si Quiboloy na humarap sa Senado upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Maliban pa roon, nanindigan naman din siyang ipapa-cite in contempt at ipaaresto niya ito kung ‘di na naman ito lilitaw bukas.

Samantala, nagpaabot naman din ng pasasalamat si Hontiveros kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para sa paghahain nito ng qualified trafficking at child abuse case laban kay Quiboloy.

Ayon sa senadora, maituturing na napakalaking tagumpay nito para sa bawat babaeng inalipusta at sinamantala nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *