R.A 11719 o batas na naglalayong ma i-convert ang BRTTH sa Bicol Regional Hospital and Medical Center, pirmado na ni Pang. Duterte

BNFM BICOL—Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11719 o ang batas na naglalayong ma i-convert ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital o BRTTH sa lalawigan ng Albay tungo sa pangalang Bicol Regional Hospital and Medical Center.

Dahil dito, mas mapapalawak at matitiyak na ang implementasyon ng Universal Health Care Law sa rehiyon, daan upang mas marami pang mga Bicolano ang magkakaroon ng access sa libreng medical services ng pamahalaan.

Sa ilalim rin ng naturang panukala, ay madaragdagan ang bed capacity ng naturang pagamutan hanggang sa 800 beds capacity. Mas tataas rin ang demand ng mga healthcare workers na kakailanganin sa ospital na magbubukas ng oportunidad sa mas maraming Bicolano.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *