Radtech, x-ray tech at archi exam, isasagawa ngayong Hunyo – PRC Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Professional Regulations Commission (PRC) Bicol na mayroon nang naka-line-up na mga pagsusulit para sa iba’t ibang mga kategorya ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Regulations Officer, Jerome Bañes, sa Hunyo 6-7 ay sabay na isasagawa ang pagsusulit sa Radiology Technologist (RadTech) at X-ray Tech; habang ang Architecture ay nakatakda naman sa Hunyo 9 at 11 sa kasalukuyang taon.

Aabot sa 19 ang examinees para sa RadTech, lima sa X-ray Tech, habang mahigit 200 naman sa Architecture. Paliwanag nito kung bakit mababa ang bilang ng examinees sa RadTech at X-ray Tech ay dahil kokonti lamang ang mga mag-aaral at paaralan na nagbukas ng kurso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *