Rain or Shine, nagpalit ng bagong import

Matapos ang sunud-sunod na pagkatalo – napagdesisyunan ng Rain or Shine na magpalit ng bagong import sa Season 48 ng PBA Commissioner’s Cup.

Ipaparada ng Elasto Painters si Demetrius Treadwell sa pagharap sa San Miguel Beermen mamayang alas-otso ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Si Treadwell ay produkto ng University of Akron at kilalang rebounding demon sa Israel league.

Nabatid na ang dating import ng koponan na si Daujuan Summers ay bigong maipanalo ang Rain or Shine laban sa Bolts, Batang Pier, Fuel Masters at Gin Kings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *