Rainshowers, thunderstorms iiral sa NCR, 3 Luzon areas

Iiral ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA dahil sa monsoon trough.

Babala ng Pagasa, posible ang flash floods o landslides sa panahon na katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas ang ulan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms naman ang makakaapekto sa ibang lugar sa bansa.

Samantala, habang magdadala parin ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan ang habagat sa buong bansa, inaasahan naman na ito ay pansamantalang hihina sa mga susunod na araw.

Batay sa wind pattern kasi ng weather bureau, posibleng mag-iba ang direksyon na kikilos pa-kaliwa o pa-kanluran, at bahagya nitong maapektuhan na lamang itong kanlurang bahagi ng Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *