Raliyesta sa Sri Lanka nanindigang mananatili sa Presidential at Prime ministerial residences

Nanindigan ang mga protesters sa Sri Lanka na hindi sila aalis sa Presidential at Prime ministerial residences hanggang hindi nagri-resign ang mga ito sa kanilang puwesto.

Una na kasing inihayag ng Parliament’s Speake na nakatakdang bumaba sa puwesto si President Gotabaya Rajapaksa sa July 13 pero hanggang ngayon ay wala pang personal na public statement ang pangulo.

Ayon sa military sources, ngayon ay nasa isang Navy vessel ang pangulo pero hindi binanggit kung saang bahagi ng Sri Lanka ito naroroon ngayon.

Maging ang kapatid nitong si dating Prime Minister Mahinda Rajapaksa ay nasa isang naval base sa kanilang bansa.

Matatandaan na sinisisi ng mga tao si President Rajapaksa sa matinding economic crisis sa kanilang bansa dahil sa mismanagement kaya nagkaroon ng food shortage, kakulangan sa suplay ng fuel at maging ng medisina sa kanilang bansa.

Base sa mga naglabasang video at larawan, ginawang mistulang bakasyunan ng mga protesters ang bahay ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *