Random check sa mga kolorum na PUVs, isasagawa ng MMDA

Magsasagawa ng random check ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng Pebrero.

Ito’y laban sa mga kolorum na mga pampasaherong jeep o mga sasakyan na hindi pa nakapag-consolidate bilang pagsunod sa panuntunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Paliwanag ni MMDA Acting Chairman Romando Artes, titiketan nila ang mga pumapasadang hindi nakapag-consolidate at maaari ring i-impound ang mga sasakyan.

Ayon kay Artes, ‘random’ lamang ang gagawing pag-check sa mga dokumento ng mga drivers upang hindi naman ito magdulot ng abala sa mga commuters at iba pang motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *