Randy Santiago, ibinunyag ang kwento sa likod ng pagsusuot niya ng shades

Ilang dekada nang nagpe-perform si Randy Santiago ngunit ngayon niya lang ibinunyag kung bakit niya hindi tinatanggal ang kanyang shades.

Ayon kay si kay Santiago, nagkaroon ng cyst ang kanyang kaliwang mata noong kabataan niya at kinailangan niyang magpaopera.

Ito rin aniya ang rason kung bakit siya tumigil sa pag-aaral nung elementarya dahil dalawang beses siyang inoperahan sa mata.

Dahil hindi na pumantay ang kanyang mata, nagsimula na siyang magsuot ng shades noong high school, na kung minsan ay ginagamitan niya rin ng eye patch.

Ngunit sa kabila nito, naging signature look na ni Randy ang pagsusuot ng shades simula pa noong 1983 kaya’t hanggang ngayon ay ginagawa niya pa rin ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *