Rank 3 Nat’l topnotcher sa April 2024 Licensure exam for midwives, tubong Cordon, Isabela

Tubong Cordon, Isabela ang naiulat na Rank 3 National Topnocher sa katatapos lamang na April 2024 Licensure Examination for Midwives.

Ito ay sa katauhan ni Christina Domingo na nakakuha ng 91.35% sa nabanggit na pagsusulit.

Kaugnay nito, nagtapos si Domingo sa Northeastern College sa Santiago City.

Samantala, mayroon namang 57.08% na National Passing Rate ang pagsusulit kung saan mula sa 2,975 na takers ay nasa 1,698 lamang ang pumasa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *