Rank 4 regional level most wanted person, arestado sa Candelaria, Quezon

Arestado ang isang lalaki na umano’y Rank 4 Regional Level Most Wanted Person matapos ang ikinasang operasyon ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon nitong Huwebes, Setyembre 14.

Ayon sa report, bandang alas 11:50 ng gabi isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay Christian Montecillo, 37-anyos at residente ng nasabing lugar.

Alinsunod sa inihaing warrant of arrest, ang akusado ay may kinakaharap na 2 counts ng kasong Murder sa ilalim ng criminal case number ng 2023-1646 sa Regional Trial Court, Branch 60, Lucena City.

Samantala, wala namang inirerekomendang piyansa para sa nasabing akusado.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad si Montecillo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *