Rank 8 CALABARZON most wanted person sa kasong 5 counts ng rape, naaresto sa Occidental Mindoro

Arestado ang isang lalaking umano’y Rank 8 Regional Level Most Wanted Person sa ikinasang operasyon ng awtoridad sa Brgy. Tayamaan Mamburao, Occidental Mindoro, nitong Miyerkules, Enero 24.

Sa pagtutulungan ng Infanta at Mamburao MPS, PIU, at Quezon PPO PIU, nadakip ang akusado na kinilalang si alyas “Baste”, 30-anyos at residente ng nasabing lugar.

Ang akusado ay may nakabinbing kasong 5 counts ng Rape sa Regional Trial Court Fourth Judicial Region, Branch 65, Infanta, Quezon at walang inirerekomendang piyansa.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng mga awtoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *