Rank No. 1 MWP ng Casiguran Police, arestado

SORSOGON CITY – Nasa kamay na ng Casiguran MPS ang kanilang No. 1 most wanted person na may kinakaharap na kasong panghahalay.

Arestado ang 18-anyos na si Justin Pedillaga Derpo, binata at naninirahan sa Brgy Cawit ng nasabing bayan.

Nahaharap si Derpo sa kasong 2 counts of rape.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Family Court Br 12 Sorsogon City na walang itinakdang piyansa.

Ang akusado ay agad na ibinalik sa kanyang court of origin at hinihintay na lang ng Pulisya mula sa korte, ang ibabang commitment order sa akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *