Rank No. 1 MWP ng Sorsogon CPS at nasa listahan din bilang No. 10 Provincial MWP, arestado

Hinainan na ng warrant of arrest ng Sorsogon City Police Station ang kanilang No. 1 most wanted person at kabilang din sa listahan ng Sorsogon PPO bilang No. 10 most wanted person.

Kinilala ang akusado na si Ma. Theresa Bautista De Ramon alias Lovely De Ramon, 35-anyos, may live-in-partner at residente ng Purok 4, Brgy Bulabog, West District, Sorsogon City.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC 5th Judiicial Region Br 51, Sorsogon City sa kasong paglabag sa RA 9208 o anti-trafficking in persons act of 2003 na walang itinakdang piyansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *