Rank No. 1 MWP ng Sorsogon CPS na isang 19-anyos na estudyante, arestado

Himas rehas na ang isang 19-anyos na estudyante na itinuturing ng Sorsogon City Police Station na kanilang No. 1 most wanted person.

Hinainan  ng kanyang warrant of arrest si Raymart Jardin Jebunan, residente ng Purok 4, Brgy Cambulaga, West District, Sorsogon City.

Nahaharap ito sa sex crimes, kabilang ang 2 counts of statutory rape na walang itinakdang piyansa at paglabag sa RA 7610 o child abuse na may piyansang P180K.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Family Court, 5th Judicial Region, Br 12, Sorsogon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *