Rank No. 10 sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng basud arestado

CAMARINES NORTE- Nadakip ng Piangsanib pwersa ng mga operatiba ang itinuturina na ika-sampu sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Basud, Camarines Norte dakong alas 8:20 ng umaga, Hunyo 1, 2021 sa Monteville, Subdivision, Mancruz, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si ALWIN SOLVER Y RED, 43 anyos, isang  construction worker at residente ng Purok 3, Taisan, bayan ng Basud

Si SOLVER ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court, Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang Mayo 14, 2021 para sa kasong paglabag sa R.A. 9262,

halagang Walumpong Libong Piso (Php80,000.00) ang inirekomendang pyansa ng korte para sa temporaryong kalayaan nito

Si Solver ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *