Rank No. 3 Provincial Most Wanted Person sa Camarines Norte, arestado

CAMARINES NORTE – Nadakip sa isinagawang pagsasanib pwersa ng mga operatiba sa lalawigan sa pangunguna ng Sta. Elena MPS ang isang electrician na itinuturing na pangatlo sa pinakatinutugis ng pulisya sa probinsya ng Camarines Norte

Ang manhunt Charlie operation ay ikinasa sa Barangay Tabugon , Sta. Elena na nagresulta sa pagkakadakip kay Charlie Bares y Acosta alyas Totoy, residente ng Purok 1, Barangay Poblacion, ng nabanggit na bayan

Si Bares ay naaresto sa bisa ng Mandamiento De Aresto na ipinalabas ng RTC 5, Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang August 13, 2015 matapos lumabag ng Apat  (4) na ulit sa kasong Rape in Relation to Republic Act 7610

Walang pynasang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito

Si Bares ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Camarines Norte upang kaharapin ang patong-patong na kasong ipinataw laban sa kanya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *