Rank No 9 Municipal Most Wanted Person ng bayan ng Labo naaresto ng mga otoridad

CAMARINES NORTE- Nadakip ng pinagsanib pwersa ng mga otoridad ang itinuturing na ika-9 sa Municipal Most Wanted Person ng bayan ng Labo dakong 12:30 ng tanghali nitong Hulyo 30, 2021 sa P-2, Brgy Daguit, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang akusado na si ROGELIO BOGLOSA y Torio, 50 anyos na magsasaka at residente na nabanggit na lugar.

Inaresto si BOGLOSA sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Honorable Leo Lumabad, Presiding Judge ng Regional Trial Court- Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang Hulyo 2, 2021 para sa two counts of Acts of Lasciviousness sa ilalim ng kasong kriminal na may na may piyansang umaabot sa Isandaan at walong libong piso (Php 108,000.00) bawat isa.

Ang inarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa Labo MPS para sa dokumentasyon at kaukulang pag turn-over sa court of origin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *