RAP ng COMELEC sa Naga City, umarangkada na ngayong araw; programa magiging araw-araw na sa dalawang Municipalidad sa Camarines Sur

NAGA CITY – Umarangkada na ngayong araw, ang Registration Anywhere Program o RAP ng Commission on Election sa SM City ng Naga, katuwang ang Provincial Government ng Camarines Sur, kung saan inaasahan ang maraming bilang ng mga indibidwal na magpaparehistro para sa National at Local Election sa taong 2025, na bubuksan simula ngayong araw hanggang bukas Pebrero 23.

Sa panayam kay Atty. Maico Julia Jr., COMELEC Officer ng COMELEC Naga, ang naturang RAP activity ay bahagi ng pagsisimula o kick off sa dalawang Municipalidad lamang ng Camarines Sur na magsasagawa ng naturang programa, ito ang lungsod ng Naga at ang bayan ng Pili, kung saan magiging araw-araw na simula Lunes hanggang Sabado sa kani-kanilang opisina. Katunayan nitong pagsimula ng Voter’s Registration ay isinabay na rin ang RAP na ngayon ay wala pang naitalang record.

Ang programa, bukas sa lahat ng nais na magparehistro kahit hindi mismong taga lungsod. Sa ngayon mahigit nasa isang libo na rin ang nakapagparehistro sa lungsod ng Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *