RBH No.6, ‘test’ umano para makita kung kasangga ba ng bansa ang mga senador

Binigyang-diin ni Deputy Speaker at Quezon Rep. JayJay Suarez na isang ‘clear and equivocal stand’ ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na kailangan nang amyendahan ang economic provisions.

Dahil dito, iginiit ni Suarez na ito na ang high time para sa mga senador na patunayan kung tunay ba silang katuwang ng pamahalaan sa nation-building o isang ‘mere obstructionists’ na dahilan ng pagka-delay.

Sinabi ng mambabatas na ang pagpapasa sa Resolution of Both Houses No. 6 ay isang test sa commitment ng Senador para sa repormang makatutulong sa mga Pilipino.

Hindi lang daw kasi maiba-validate ng pagkakapasa ng RBH No.6 ang mga hakbang ng pamahalaan para mai-promote ang pag-unlad ng ekonomiya, dahil pagtitibayin din nito ang hinahangad na mas maayos na buhay ng mga mamamayan.

Sa huli, muling nanawagan ang Kongresista sa mga senador na isantabi ang political differences at unahin ang national interest sa pamamagitan ng pagpapasa sa RBH No.6.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *