RD ng PRO-5 sinigurong mas papalakasin pa ang ‘sustainability’ at ‘anti-criminality’ operations sa Bicol

BNFM BICOL – Sisiguraduhin ng bagong upong Regional Director ng Police Regional Office o PRO 5 na mas papalakasin at titiyakin ng kapulisan ang sustainability at anti-criminality operations sa rehiyon.

Sa pag-upo ni Regional Director PBGEN Mario Reyes, simula Abril 26 hanggang Mayo 15, 2022 kapansin-pansin ang mga naitalang progress report at mga operasyon na nagbunsod sa pagkakaaresto sa 24 na mga drug personalities.

Sa bilang na ito, 21 kaso na ang naisampa sa korte na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit 539 na gramo ng marijuana, at mahigit 344 na gramo ng ‘shabu’ na may tinatayang market value na aabot sa mahigit P2.3 millin.

Ayon pa sa report ng PNP Bicol, sa panahon ng Halalan naging mahigpit din ang seguridad ng mga kapulisan lalong lalo na sa kampanya kontra sa mga loose firearms kung saan naitala ang mahigit 22 kaso ng paglabag mula sa isinagawa nilang “Oplan Katok” at “Oplan Boga”.

Dagdag pa dito, naging maayos at tahimik din ang resulta ng eleksyon sa buong Bicol at ipinagpasalamat aniya ito ng kapulisan kasama ang COMELEC, AFP, Coast Guard at iba pang ahensya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *