Record high 68 kaso ng Covid-19 naitala sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Naitala noong Mayo 25 ang 68 Covid-19 cases, ang pinakamataas na bilang na naiulat sa loob ng isang araw sa lalawigan habang dalawa naman ang nasawi sa nasabing sakit.

Sa ulat ng DOH-Bicol Center for Health Development , pinakamarami pa rin sa lungsod kung saan naitala ang 35 kaso, 6 naman sa bayan ng Castilla at Juban, 5 sa bayan ng Bulan, apat sa Matnog habang tig-tatlo sa bayan ng Bulusan at Donsol at Irosin at tig-isa sa mga bayan ng Gubat, Pilar at Pto Diaz.

Ang kaso sa lalawigan ay nadagdagan kahapon ng 18 pang kaso at karagdagang isa na nasawi.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 206 ang bilang ng aktibong kaso sa lalawigan habang sumirit na sa 1,687 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nasabing sakit. Umakyat naman sa 70 ang nasawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *