Recto: Lugar ng mga bagong EDCA miltary sites, dapat malinaw!

Pinagpapaliwanag ni House Deputy Speaker Batangas 6th district Rep. Ralph Recto ang Marcos administration kaugnay sa karagdagang apat na lugar na sasakupin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ayon kay Recto, dapat maging ‘transparent’ ang pamahalaan lalo pa’t ang naturang usapin ay tungkol din sa seguridad ng bansa.

Dagdag pa nito, inaasahan niyang napag-aralan at natimbang nang maayos ng Defense Department ang mga posibilidad at magiging epekto ng kasunduan ng dalawang bansa.

Giit pa niya, posibleng ilang military bases pa ang sasakupin ng Amerikan sa mga susunod na panahon.

Kung maaalala, tumanggi na muna si Defense Secretary Carlito Galvez na pangalanan ang apat na mga bagong EDCA bases pero tiniyak na iko-konsulta muna nila ito sa mga LGUs.

Nilinaw naman na ni US Defense Secretary Lloyd Austin III na ang mga ipatatayong base ng US military ay hindi permanente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *