Red Alert Status inibandera sa Camarines Sur; Pre-emptive evacuation dahil sa bagyong Dante iniutos

NAGA CITY- Ibinandera sa Camarines Sur ang Red Alert Status bago pa man itaas ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa Timog na bahagi ng lalawigan. Nakakabit din sa Memorandum Order No. 1 ni Governor Migz Villafuerte ang pre-emptive evacuation sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng pagbaha, pagguho ng lupa o mga nasa high risk areas.

Pinatitiyak din ang pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19.

Pinaactivate ang: search, rescue at retrieval cluster, road clearing, camp coordination and camp management, emergency telecommunications, law and order, health , education at management of dead and missing cluster.

Nakaactivate rin dapat ang 24/7 Incident Management Team (IMT) at Emergency Operations Center (EOC). Bawal nang pumalaot maliit man o malaking sasakyang pandagat.Samantala sinabi ni PMaj. Emillo Endrano ng Del Gallego PNP umaga pa lamang nitong Martes 50 na na mga cargo trucks ang stranded sa Del Gallego Border Control Point.

Habang hindi pa tuluyang nakakalayo ang Bagyong Dante, inabisuhan ni Endrano ang mga papunta sa Visayas at Mindanao na huwag na munang dumiretso dahil ma i-istranded lang naman sa border.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *