Region 12, nakatanggap ng 2 mobile van clinic

KORONADAL CITY – NAKATANGGAP ng dalawang mga mobile van clinic mula sa Philippine Business for Social Progress o PBSP ACCESS TB at Pilipinas Shell Foundation Inc ang Department of Health o DOH Soccsksargen region.

Ang naturang mga specialized vehicles ay gagamitin sa pagpapatupad ng mga programa at paghahatid ng serbisyo kaugnay tuberculosis o TB at human immunodeficiency virus o HIV lalo na sa mga underserved communities sa rehiyon.

Ito ay bahagi ng 8-point action agenda ng DOH na “Teknolohiya para sa mabilis na serbisyong pangkalusugan”. Mismong si Regional Director Dr. Aristides Concepcion Tan at OIC-Assistant Regional Director Dr. Fatima Emban ang tumanggap sa naturang mga mobile clinics na magbibigay ng free chest X-rays, ECG, specimen collection and transport at iba pang essential healthcare services lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng mas pinalakas na TB screening and detection.

Sa buong bansa, 13 mga mobile vans na ang nadeploy ng PBSP ACCESS TB at DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *