Regional level most wanted person sa kasong rape, arestado sa Infanta, Quezon

Arestado ang isang lalaking umano’y Regional Level Most Wanted Person matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Poblacion Bantilan, Infanta, Quezon nitong Lunes, Enero 15.

Batay sa report, pasado alas-6:00 ng gabi nang madakip ang akusado na kinilalang si alyas “Jun”, 33-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Si alyas Jun ay may kinakaharap na kasong Rape in relation to sec. 5 of RA 7610 sa ilalim ng criminal case number 09-169-I sa Regional Trial Court, Branch 65, Infanta, Quezon.

Samantala, wala namang inirerekomendang piyansa para sa nasabing kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *