Local News

Wanted sa panggagahasa sa isang minor, arestado sa Batangas

Arestado ang lalaking itinuturing na Most Wanted Person-Regional level dahil sa kasong panggagahasa sa isang minor de edad sa ikinasang operasyon sa Brgy. Balete, Batangas City.

Kinilala ng Lian Municipal Police Station ang akusado na si Arnold De Torres y Barangas, 42 anyos, may-asawa, at residente ng Lian, Batangas.  

Naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na inilabas ng of Regional Trial Court Branch 90 ng Dasmariñas Cavite noong Marso 1, 2023 at walang kaukulang piyansa.

Ayon sa report, nangyari ang insidente sa Dasmariñas City, Cavite kung saan ginahasa umano ng suspek ang isang menor de edad.

Nasa kustodiya na ng Lian MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon at return of warrant nito.

BNFM Batangas

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago