Regional most wanted na miyembro ng sindikatong grupo, timbog sa Rizal

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad ang itinuturing na Regional most wanted at umano’y miyembro ng Robbery group syndicate na nag-ooperate sa Batangas sa ikinasang operasyon sa Brgy. San Andress, Cainta, Rizal, pasado alas-6:00 kagabi ng Linggo, Marso 26, 2023.

Kinilala ng Ibaan Municipal Police Station ang akusado na si John Adrian Pagalan Liwag, nasa legal na edad at residente ng Poblacion, Ibaan.

Ayon sa report, ikinasa ng Ibaan MPS ang operasyon sa pangunguna ni PMaj. Ronnie B. Aurellano, hepe ng naturang himpilan kasama ang Batangas PIU, RID 4A-RIT Batangas at 1st MP/TSP 1st BPMFC sa bisa ng warrant of arrest dahil sa patong-patong na kaso ng Robbery at iba pang reklamo.

Batay sa ipinadalang impormasyon ng himpilan sa Brigada Batangas, ang suspek ay sangkot sa pagnanakaw sa mga kabahayan, public building at pati ang simbahan sa naturang bayan.

Mula Batangas ay nagtago umano ito sa Rizal Province magmula noong 2021 hanggang sa tuluyang naaresto kagabi.

Nasa kustodiya na ng Ibaan MPS ang suspek na kakaharapin ang patong-patong na kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *