Regional most wanted sa kasong rape, huli sa Lipa City, Batangas

Tuluyang nahulog sa kamay ng mga otoridad ang lalaking regional most wanted sa kasong panggagahasa matapos na maaresto sa Brgy. 7, Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang akusado na si Marcel Casilag y Galario, 21 anyos, isang construction worker at residente ng nasabing lungsod.

Naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad.

Ayon kay Batangas PNP Provincial Director PCol. Samson Belmonte, naging malaking tulong ang kooperasyon ng komunidad sa pagkaaresto ng akusado.

Nakatakdang harapin ng suspek ang kaso sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *