Regional MWP ng Region 4-A, arestado sa Tabaco City, Albay

LEGAZPI CITY – Hawak na ng Tabaco CPS ang Regional Most Wanted Person ng Region 4-A matapos itong mahuli sa Purok 7, Brgy. Pinagbobong, lungsod ng Tabaco, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Jojo”, 30 anyos, construction worker, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, pumunta ang mga otoridad kasabay ang Lucena City Police Station Quezon PPO at PRO4 ang lugar na kinaroroonan akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Disyembre 12, 2023 dahil sa mga kasong rape at act of lasciviousness na may kinalaman sa RA 7610 o child abuse.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kanyang unang kaso, habang aabot naman sa PHP180,000 ang inirekomendang piyansa para sa isa pang kaso,

Sa ngayon, ang akusado ay nakatakdang ibalik sa kanyang pinanggalingan upang harapin ang mga kasong isinampa sa kanya ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *