Registered examinees sa nakanselang March 2020 Career Service Examination- Pen and Paper Test bibigyan ng pagkakataong kumuha ng exam sa March 2023

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) na bibigyan ng pagkakataong makakuha ng exam sa March 2023 ang mga registered examinees sa nakanselang  March 2020 Career Service Examination- Pen and Paper Test (CSE- PPT) professional at sub professional.

Kung maalala ilang araw bago ang nakatakda sanang examination noong March 2020 ay nakansela ito dahil sa  ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong bansa nang tumama ang COVID- 19 pandemic.

Ayon kay CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas ng Camarines Norte Provincial Field Office, tanging ang mga registered examinees lang para sa nakanselang  March 2020 CSE- PPT ang i- aacomodate at hindi ito para sa lahat.

Gayunman kailangan pa rin umanong mag online application o reservation.

Maglalabas ng link sa mga susunod na araw ang CSC para makapagpalista ang mga kukuha ng examination sa Marso ng susunod na taon.

Hindi bababa sa 1000 examinees ang nagparehistro para sa March 2022 CSE- PPT.

Inanunsiyo rin ng CSC na bibigyang ng pagkakataon ang mga hindi pa nakakapag refund para sa nakanselang examination hanggang 2025 lalo na kung wala ng balak ang mga itong kumuha ng exam.

Pero pagkatapos na umano ito ng March 2023- CSE- PPT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *