Regulation ng e-cigarettes sa Region 12, tututukan ng DTI

KORONADAL CITY- TUTUTUKAN ng Department of Trade and Industry o DTI region 12 kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno, ang monitoring at regulation ng production, sale, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotine products, vape o electronic cigarettes alinsunod sa Republic Act 11900.

Inihayag ni Mary Ann Morales, Consumer Protection Division Chief ng DTI 12 na batay sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng e-cigarettes at vaping devices sa mga menor de edad at kailangang hanapan ng proof-of age verification ang mga bumibili.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng e-cigarettes sa mga pampublikong lugar.

Samantala, ang mga manufacturers at importers ay kailangang magcomply sa product standards kabilang na ang proper handling, packaging at safety features.

Sa ngayon, abala ang DTI 12 sa pagsasagawa ng orientation sa mga business establishments na nagbebenta ng e-cigerrtes at vaping devices upang malaman ng mga ito ang nakapaloob sa batas.

Layon ng Vape Law na maibsan ang risgo sa kalusugan at mapangalagaan ang welfare ng nakararami laban sa paggamit ng electronic cigarettes.

Sa Koronadal City, nasa 24 ang mga vape shops na nagbebenta ng naturang produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *