Rehabilitation at maintenance works maagang natapos ng Primewater, suplay ng tubig sa maraming lugar sa Camarines Norte naibalik na

CAMARINES NORTE – Maagang natapos ng Primewater ang rehabilitation at maintenance works kaya naibalik din agad ang suplay ng tubig.

Batay ito sa ipinalabas na advisory ng kumpanya alas 4 ng hapon nitong Miyerkules, August 16.

Mababatid na mula alas 8 ng umaga noong Martes hanggang alas 8 dapat ngayong umaga ang schedule ng pagkawala ng suplay ng tubig sa maraming lugar sa lalawigan dahil sa rehabilitation at maintenance works pero agad nakumpleto ang patrabaho.

Nagsagawa rin agad ng flushing activities para ma- stabilize ang water pressure sa system.

Gayunman maaaring nararanasan pa rin daw ang mahinang pressure o kawalan ng suplay ng tubig sa mga elevated at endpoint areas pero inaasahang magiging normal na ito ngayong Huwebes ng umaga.

Hinikayat rin ng Primewater ang mga konsyumer na pakuluan ang tubig bago ito inumin para masigurong ligtas ito.

Ayon kasi sa Department of Health posibleng maging dahilan ng pagtatae ang pag inom ng hindi sigurado o malinis na tubig.

Muli namang humingi ng paumanhin ang Primewater sa idinulot na “inconvenience” ng pagkawala ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *