Reigning WBO Oriental bantamweight champion Reymart Gaballo – handa na sa laban

Kasado na mamayang gabi ang pagbabalik sa ring ng reigning WBO Oriental bantamweight chapion na si Reymart Gaballo.

Ito ay para depensahan ang kaniyang titulo laban sa Thai boxer na si Phai Pharob, mamaya sa Midas Hotel and Casino.

Target ng 27-anyos na si Gaballo na matuluy-tuloy ang kaniyang winning streak.

Matatandaaang 26 wins, 21 KOs, at nag-iisang talo ang record ni Gaballo, at tanging ang pinoy boxer din na si Nonito Donaire ang tanging tumalo sa kaniya noon pang 2021.

Si Phai Parob, na kuwarenta-anyos, ay mayroong record na 35 wins, 27 KOs, at 3 losses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *