Reklamo sa nagdawit sa pangalan ng PNP chief sa destab plot – hindi raw panggigipit

Mariing iginiit ni PNP Chief Gen.Benjamin Acorda Jr., na hindi panggigipit ang ginawa nyang paghain ng reklamo laban sa nagdawit ng kanyang pangalan at nagpost ng video ng umano’y distabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Paliwanag ni Gen. Acorda, umaakto lang siya bilang pulis sa nakikitang niyang nagawang paglabag sa batas ng retired AFP General sa inilabas sa kanyang vlog.,

Giit ng PNP Chief, nirerespeto niya ang kalayaan sa pamamahayag, pero hinid ang pagpo-promote ng fake news.

Kung sa tingin naman ng dating opisyal na ito’y harassment, may karapatan naman aniya siyang magsampa ng reklamo laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *