Relokasyon, sigaw ng mga residente na apektado ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum

Humihiling ang mga residente ng Capitol Compound na naapektohan ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum na magkaroon na muna sila ng malinaw na relokasyon bago pa man gibain ang kanilang mga bahay.

Ayon sa isang residente na giniba na ang bahay, kabilang sila sa apat na pamilya na binigyan ng agarang relokasyon dahil sa tatayoan na ng poste ang lugar na kinatitirikan ng kanilang bahay.

Anya binigyan na lamang sila ng 10ng araw na ultimatum upang umalis sa nasabing lugar at lumipat sa pansamantalang binigay na relokasyon ng City Government sa Barangay Balogo.

Anya pa hindi naman ganun kadali ang paglipat at hanggang sa ngayon ay hindi pa nila hawak ang ipinangakong 25k na ayuda para sa kanila.

Sa ngayon, hiling ng iba pang residente sa lugar na magkaroon muna sana ng malinaw na relokasyon na paglilipatan nila bago sila paalisin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *