Editors Pick

Remulla, enendorso na ang plunder complaint laban kay Bantag sa Ombudsman

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inendorso na niya ang plunder complaint na inihain laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa Office of the Ombudsman.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, naghain ang BuCor ng multiple complaints, kabilang na ang plunder at malversation of public funds, laban kay Bantag kaugnay sa umano’y misappropriation ng pondo para sa tatlong prison facilities.

Ayon kay Remulla, ang kaso ay pasok sa hurisdiksyon ng Ombudsman dahil ginawa ni Bantag ang naturang hakbang habang nasa opisina pa.

Una nang sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang na ang P1 billion na budget ay ibinigay sa Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, at sa Leyte Regional Prison, kung saan 95% ng pondo ay nagamit, pero tanging 60% lang ng prison facilities ang naitayo at nakompleto.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

3 hours ago