Rental rate cap sa mga nangungupahan ng 10k pababa, itinakda sa 4%

Muling nagpaalala ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD sa mga landlord hinggil sa umiiral na rental rate cap sa residential rental ngayong taon.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DHSUD Undersecretary Henry Yap, kung noon ay 2% lang ang pinapayagang increase sa mga nangungupahan ng below 5, 000; 7% sa 5 thousand at 9k pababa at 11% naman sa mga nagungupahan ng 9 thousand hanggang sampung libo, ngayong taon ay pantay-pantay nang 4% ang magiging increase nila sa upa sa bahay.

Base anya sa pagsusuri ng kanilang departamento, mayroon 12.89 million families na nangungupahan lang sa Pilipinas at 95% dito ay nagbabayad ng P10,000 o mas mababa pa, o katumbas ng 2.7 hanggang 3 million.

Sakop lang ng rent control ang mga residential, kasama ang dormitories, at ang rooms and bed spacers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *