Rep. Alvarez, pinabulaanan ang panawagan nila ni FPRRD na ikalas ang Mindanao sa Pilipinas

Pinabulaanan ni Rep. Pantaleon Alvarez na maituturing na sedition ang panawagan niya at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Kasunod ‘yan ng pagkonsedera ng ilang opisyal sa Mindanao na magsampa ng reklamo laban kay Duterte at Alvarez kung mauwi sa gulo ang panukala.

Ayon naman kay Alvarez, pinag-aralan niya ito ng mabuti at hindi naman maituturing na sedition ang kanilang aksyon.

Kailangan muna raw ng magulong paggamit ng impluwensya para maituring itong krimen.

Sinabi rin ng mambabatas na naintindihan niya ang pahayag ng PNP na binabantayan nito ang grupong nagsusulong ng sedition sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *