Rep. Herrera, isinulong muli ang mas mahigpit na parusa sa mga hindi magbabayad ng toll fee

Umaapela si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na bilisan na ang pag-apruba sa panukalang batas na magdedeklara sa hindi pagbabayad ng toll fee bilang traffic violation.

Sa House Bill 8161 na inihain ni Herrera nito pang buwan ng Mayo, nais nitong paigtingin ang road safety at maibsan ang tollway congestion lalo na tuwing peak holiday season.

Nakasaad dito ang isang integral provision kung saan pagmumultahin ang sinumang hindi magbabayad ng toll fee upang maiwasan ang sadya o aksidenteng paggawa nito na nauuwi sa pagbigat ng trapiko at paghaba ng pila ng mga sasakyan.

Ang initial offense para sa mga lalabag ay isanlibong piso at isang buwang suspensyon ng driver’s license; 2,000 pesos at tatlong buwang suspensyon ng lisensya sa second offense at 5,000 pesos at anim na buwang suspensyon sa third offense.

Sakaling mahuli muli ang motorista ay awtomatiko nang sususpendihin ang driver’s license ng isang taon, depende sa makukumpletong outstanding obligations.

Sa ilalim ng panukala ay ilalaan ang makokolektang multa sa pagsasaayos at maintenance ng road safety signages at pagpapalakas sa tollway enforcement.

Bukod dito, magiging mandatory ang paggamit ng standardized Radio-Frequency Identificationsystem sa lahat ng tollways sa bansa para ma-streamline ang toll collection, mabawasan ang travel time at maging mas maginhawa para sa mga motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *